pasko na naman… o kay tulin ng araw…
Nung bata ako, i’m of those na excited tuwing sasapit ang pasko. Caroling para magkapera. Kahit di maganda ang boses sige pa rin ang kanta. Sinasabayan pa ng sayaw, para pagdating ng pasko may pera. Pambili ng pagkain or damit na maisusuot sa mismong araw ng pasko.
Pag pumupunta ako sa ninang ko masaya na akong mabigyan ng kahit sampung piso o kahit simpleng shorts lang o tsinelas kaya. Yung isang ninong ko nagtatago pa, yung isa naman laging walang binibigay. Yung laging nagbibigay dun pa sa palengke, dinadayo ko pa. Ganoon pa man, masaya ako.
Simple lang ang selebrasyon, minsan may handa but most of the times, simpleng pansit lang at tinapay. Wala namang masyadong pinupuntahan. Pabalik-balik lang sa kalsada with friends. Pagdating ng noche buena uwi na para kumain. Ganito lang kasimple ang pasko namin.